Quantcast
Channel: Philippines – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all 88 articles
Browse latest View live

Who is Tiagong Tigas?

$
0
0

I was watching an NBA game on TV the other night, when a flash of insanity (or genius) hit me. And it’s not even a full moon.

I wondered if NBA basketball players would play for the Philippines, would they take on a more local-sounding name?

Back in my childhood days, during Toyota vs. Crispa rivalry, and during Robert Jaworski’s heyday, an American import played for Toyota. His name was Andrew Fields. However we joked around that his adopted Filipino (Tagalized) name was Andres Bukid. As you know, San Andres Bukid is a district in Manila.

So here’s my list of Filipinized names of current NBA players:

1. Tiagong Tigas – James Harden (Houston Rockets)

2. Juaning Pader – John Wall (Washington Wizards)

3. Dong Tampisaw – Dwayne Wade (Chicago Bulls)

4. Esteban Sabaw – Stephen Curry (Golden State Warriors)

5. Gurang Kaladkarin – Goran Dragic (Miami Heat)

6. Atincupung, Ging-ging – Antetokounmpo, Giannis (Milwaukee Bucks)

7. Kebong Pag-ibig – Kevin Love (Cleveland Cavaliers)

8. Jimeno Mayordomo – Jimmy Butler (Chicago Bulls)

9. Damong Luntian – Draymond Green (Golden State Warriors)

10. Tonying Pumarada – Tony Parker (San Antonio Spurs)

11. Kembot Lumakad – Kemba Walker (Charlotte Hornets)

12. Dekdek Bulaklak – Derrick Rose (NY Knicks)

13. Tiagong Biyak – Tiago Splitter (Atlanta Hawks)

14. Rodeng Bakla – Rudy Gay (Sacramento Kings)

15. Pablong Saksak – Paul Pierce (LA CLippers)

Can you think of anybody else? I like to hear from you.

NBA: Indiana Pacers at Houston Rockets

(*photo from the web)



Humanap Ka Ng Panget

$
0
0

Siguro naman medyo humupa na ang “Miss Universe fever” sa ating bansa ngayon. Sa mga nakaraang araw ay tumutok ang buong mundo sa Pilipinas, kung saan ginanap ang Miss Universe pageant. Ipinasa na ni Pia ang korona kay Miss France bilang Miss Universe 2016.

miss-universe-2016

Sangayon ba kayo kung sino ang nanalo?

Siguro may listahan din kayo kung sino sa inyong tingin ang dapat nanalo sa Miss Universe. Tayong mga Pilipino ay mga numero unong kritiko at pulaero. Alam nating kung sinong maganda. Alam din natin kung sinong hindi. Siguro dahil marunong lang tayong kumilatis ng maganda.

Hindi rin naman siguro sa pagyayabang, ngunit nang magsabog ng kagandahan at kaguwapuhan sa mundo, ay marami sa ating mga kababayan ang nasa unahan kaya’t marami sa atin ang nabiyayayaan nito. Nakahabol din naman ako sa harapan. Walang kokontra!

Hindi rin makakaila na kadalasan ang ating kandidata sa mga beauty pageant, maging sa Miss Universe, Miss World, o Miss International, ay laging nasa top 10 o top 5. Alam na rin naman nating lahat na isa tayo sa mga bansang may ilang naging Miss Universe: Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), at Pia Wurtzbach (2015). Ang Amerika ay nagkaroon ng 8, pero siguro medyo luto, dahil sila ang nag-imbento ng Miss Universe.

Sabi nga nila, tayong mga Pilipino ay may mga paboritong pampalipas oras: basketball, karaoke, kainan, at siyempre pa, beauty pageant. Sa mga bayan-bayan kapag may piyesta, o kahit sa mga bara-baranggay lang, ay mayroon lagi tayong mga patimpalak ng pagandahan.

Kahit sa ating mga reliyosong selebrasyon, tulad ng Santacruzan o Flores de Mayo, ay pinuprusisyon ang mga reyna-reyna na magagandang dilag ng bayan. Kahit sa ating mga noontime TV show ay palasak ang beauty contest, tulad ng Miss Little Philippines, Super Sireyna, at Mr. Pogi.

Ngunit kadalasan kagandahan lang ang nagiging mahalaga para sa atin sa pagkilatis ng isang tao.

Pare #1: Dre, may bago akong girlfriend.

Pare #2: Maganda ba?

Pare #1: Mabait.

Pare #2: Pero maganda ba?

Pare #1: Matalino.

Pare #2: Pero maganda nga ba?

Pare #1: Magaling magluto.

Pare #2: Ang kulit mo naman, maganda ba?

Aamin ko, ang kagandahan ay isang tunay na yaman. Kung ikaw ay nabiyayaan nito, ay may lamang ka na sa buhay. Maraming pagsisiyasat ang nagsasabi na ang magagandang tao ay kadalasan mas madaling umangat o umasenso sa buhay.

Sa isang pag-aaral mula sa University of Wisconsin, ito’y nagsasaad na ang paghirang ng mga empleyadong magangandang lalaki o babae ay nakakatulong sa kalakalan ng negosyo. Siyempre, mas mataas din ang nagiging sweldo ng magaganda kumpara sa ibang katrabaho na may parehong kwalipikasyon. Kahit nga mga sanggol, sa isang pagsasaliksik, ay pinipiling tumingin sa magandang mukha.

Oo, ang mundo ay hindi patas. Ang buhay ay hindi patas.

Hindi ba meron pang mga payo o pamahiin ang mga matatanda, na kapag ikaw raw ay buntis o ikaw ay naglilihi, ay laging tumingin sa magaganda’t guwapo. Iwasan din daw tumingin sa mga panget at baka mapaglihian mo sila’t maging panget ang iyong anak.

Dahil ating kinikilingan ang magaganda, kaya ba ating tinutuya at inaapi ang mga panget? Sila ay laging tampulan ng ating mga biro.

Sa isang tindahan, may istambay na lasing:

Babae: Pabili nga po ng shampoo.

Tindera: Anong klase?

Babae: Iyong nagpapaganda.

Istambay: Ale, bili ka na rin ng bagong mukha, ang panget mo eh!

Babae: Eh ikaw, lasing!

Istambay: Bukas hindi na ako lasing, pero ikaw panget ka pa rin!

Hanggang katatawanan na lang ba ang mga panget? Kahit sa mga artista, hanggang komedyante at kontrabida na lang ba ang papel ng hindi mga guwapo at magaganda? Kung hindi magaling magpatawa sina Babalu, Rene Requiestas, Pooh, at Pokwang, sa tingin ninyo kaya ay sisikat sila?

Ako’y nasa kolehiyo nang sumikat si Adrew E. Una siyang nakilala dahil sa kanyang kantang “Humanap Ka Ng Panget.” Sabi ng kanyang kanta:

Kaya’t para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka puso mo’y mabibiyak
Mahiwalay man ang panget hindi ka iiyak ‘di ba?

Tila salungat ito sa likas nating mga Pilipino o kahit sa anumang lahi. Tayo’y namulat sa umiiral na kagawian na dapat tayong humanap ng maganda at guwapo para makasama natin sa buhay. Para sa atin, mga talunan lang ang humahanap ng panget. Hindi ko itatanggi, hindi ko sinunod ang payong ito ni Andrew E. Dahil ako’y nakapag-asawa ng mabait, matalino, magaling magluto, at siyempre maganda. Wala ulit kokontra!

Ngunit kung ating tutuusin ang panglabas na kagandahan ay hanggang sa balat lang ang lalim nito. Hanggang sa paningin lang nasusukat ito. Pagtinalupan mo ang tao, masasabi mo bang ang ganda ng apdo o ng baga, o kaya’y ng laman loob at buto-buto?

Isa pa ang panglabas na kagandahan ay pansamantala lang at madaling lumipas. Ang magaganda ngayon kapag sila’y tumanda ay magiging kulubot din ang kanilang mukha, maliban na lang kung ipaunat nila ito sa kanilang plastic surgeon. Ika nga ni Bob Ong, “sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal.”

Ang totoong kagandahan ay wala sa panlabas na itsura lang. Ang tunay na kagandahan ay nangagaling sa loob ng tao. Hindi ko sinasabing mula ito sa atay. O sa bituka. Ang ibig kong sabihin ay galing sa puso o sa karakter ng isang tao. Ang kagandahang ito ay hindi kukupas. At ito rin sa mata ng langit ang tunay na kagandahan na dapat nating hanapin.

1 Samuel 16:7 “Sapagka’t hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso.”

Hindi ko sinasabing humanap ka ng panget. Ang sa akin lang ay kung maghahanap ka ng maganda, huwag lang mata ang iyong gamitin. Maghanap ka ng may tunay na kagandahan.

(*photo from web news)

 

 


Intern Blues

$
0
0

The other day, I let our medical intern in the ICU place a dialysis catheter on one of our very sick patients. It is a minor surgical procedure of placing a thick catheter in the patient’s jugular vein using ultrasound for guidance. Of course she had lots of supervision, as one of our senior resident was assisting her, and I was around as well for support.

The intern was not able to place the catheter that quick being inexperienced, so it took a little longer doing the procedure. Though that is nothing out of the ordinary. This is normal for a teaching hospital, as interns and doctors-in-training has to start somewhere.

While we were doing the procedure, the patient became unstable, and then went into cardiac arrest. We called a Code Blue (a call for help on a patient having cardiac arrest). Moments later the whole room was teeming with hospital personnel responding to the code.

The patient survived and was stabilized after several minutes of furious cardiopulmonary resuscitation.

The intern was visibly shaken to what just happened. I saw her later in the workroom crying. One of the senior resident told me that the intern felt that it was her fault that led to the cardiac arrest.

However after extensive work-up, we found that patient has a weak heart to start with, and in fact was in congestive heart failure and kidney failure, and that was why he was in the ICU. Then he suffered a heart attack, that caused the cardiac arrest. It was just coincidental that it happened while we were placing the catheter. It was not a direct complication of the procedure.

I reassured the intern that it was not her fault, and gave her some words of encouragement, that this is all part of our work. Besides, this intern is good, intelligent, comes prepared on rounds, and has initiative to learn. I see a great potential in this young doctor. Her only fault is that she is new and inexperienced. But we all have been there.

I have been an attending physician in a teaching institution for a long time now. In fact five of my partners in our practice, who are now full pledged Pulmonary and Critical Care doctors are once my medical interns in the hospital. So at some point in time, I showed them the ropes. And now they are probably better than me, and once in a while I asked for their opinion in difficult cases.

I remember when I started my medical internship in a Columbia University-affiliated-hospital, I was not a “good” intern. At that time, I was a new arrival to the US from the Philippines, was new to the American system of medicine, and definitely not the sharpest among our batch. Compared to our star intern, a graduate of Johns Hopkins University, I was like a kindergarten. I was really lost and I struggled in the beginning. But I am thankful for my seniors and attending physicians who saw the rough potential in me. Though I would be lying if I tell you I was not lectured on at times, or even chewed and spewed.

At the graduation ceremony of my Internal Medicine Training, they gave me the “Tabula Rasa” award. It took me a while to figure out what it meant. But I guess I was really like a “blank slate” when I started, which what the Latin “Tabula Rasa” means. I must also had that blank stare like a deer in the headlights, that goes with my blank mind.

But as I said, we all have to start somewhere.

teaching-rounds

hospital teaching rounds, circa 1940’s

In some academic centers they have a very defined hierarchy. Even one year of seniority feel like a world of difference. The attending physicians act like demigods as they would climb up their high horses when they do their rounds. The attendings treat the medical residents as dirt. In turn, the senior residents treat the junior residents as dirt. The junior residents treat the interns as dirt. The interns treat the medical students as dirt.

It may be hard to admit, but I witnessed this hierarchical state of thinking when I was in my medical school in the Philippines. And being the medical student, I was at the bottom of the totem pole.

But I don’t buy into this old-school hierarchical philosophy and system that treats our inferiors like dirt. I adopted a philosophy of providing a more collegial environment which I believe is more conducive to learning even for the least of us. A resident, or an intern or even a medical student can approach me freely without fearing of being chewed on.

Back to my intern, I hope she’ll learn something from that difficult day. I know someday she will become a good, experienced and a well-rounded doctor too. And if someday she becomes the chief of the medical staff in this hospital, as she has a great potential, or becomes the head of a big-shot medical corporation, or even becomes the US Surgeon General, I hope she remembers me and the words of encouragement I gave her during one difficult day.

(*photo taken from reddit.com)

 


Filipino Valentine

$
0
0

They say that today is heart’s day. What’s more genuine than this:

dsc_0123-3

They also say that you should give your loved one chocolates. What’s more organic than this:

cocoa-pod

Finally, they say that you should give your sweetheart some flowers. What can top this:

16736479_120300002110600853_219329498_n

Happy Valentine’s Day to all!

(*photos taken from the web)


Short Time sa Sogo

$
0
0

(Ang sumusunod na artikulo ay rated PG-13.)

May mga establisimyento sa Pilipinas na hindi maganda at medyo makulimlim ang kanilang reputasyon. Makatarungan man o hindi, ay atin silang tinatagurian na hindi dapat puntahan ng mga taong may dangal. Kasama dito ang mga sauna, massage parlor, at motel. Ating iniisip na may mga nangyayaring “kababalaghan” sa mga establisimyentong ito.

Pero kung tutuusin ay mararangal naman ang mga ito. Dito sa Amerika, ay walang malisyang iniisip kung ikaw ay pupunta sa sauna o sa massage parlor. Sa Pilipinas lang kaya may mga extracurricular at happy ending na mga pangyayaring nagaganap sa mga lugar na ito?

Ang motel naman ay galing sa katagang “motorist hotel.” Ibig sabihin ito ay para sa mga manlalakbay. Muli, sa ibang bansa tulad ng Amerika, walang konotasyong masama kung ikaw ay matutulog sa motel. Ngunit sa ating bansa, ito ay kilala para sa “short time” lang. Tinatawag din natin itong “biglang-liko” sabay “biglang-yuko.” Dahil ba para sa mga naglalaro ng apoy lang ang lugar na ito, at tagpuan lang ba ito ng mga bawal na pag-ibig?

Lahat ba ng tao na pumupunta sa sauna, o massage parlor, o sa motel, ay may kabulastugang ginagawa?

Ako’y magkukumpisal: ako ay nag-short time sa Sogo. Oo, ‘yung kinikilalang “lover’s hotel” na hindi mo dapat puntahan, kaya No Go.

Pero bago ninyo ako husgahan, ay inyo munang pakinggan ang aking kuwento.

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang ako’y biglaang umuwi ng Pilipinas, dahil malubha ang kalagayan ng aking ina. Siya ay naratay sa ospital ng UERM sa may Aurora Boulevard. Doon namin napag-alaman na kumalat na ang kanser sa kanyang boong katawan. Iyon na ring uwi kong iyon ang huli naming pagkikita ng aking ina.

Pangatlong araw matapos kong lumapag sa Pilipinas, at matapos kong lumagi sa UERM para bantayan ang aking nanay, ay sumaglit ako sa SM City Santa Mesa na katabi lang ng ospital, para mananghalian. Solo flight lang akong lumabas. Matapos kong kumain, ay bigla akong inatake ng napakatinding antok. Wala naman sigurong pampatulog ‘yung Jollibee na kinain ko. Marahil na rin sa aking pagod sa paglalakbay, pagod at puyat sa pag-aasikaso sa aking nanay, at grabeng jet-lag, ay hindi ko nakayanang labanan ang sobrang antok.

Aking inisip na kung babalik ako sa UERM, ay wala akong tutulugan doon. Kung ako’y maglalakbay patungo sa tirahan ng aking kapatid sa Quezon City kahit pa malapit lamang ito, ay baka hindi ako umabot at ako’y makatulog sa daan. At kahit pa sabi ng aking tita na malugod akong inaanyayahan na tumambay sa kanila sa may Pasig, ay lalong hindi ako aabot doon, at baka sa LRT pa lang ay mawalan na ako ng malay, dahil nahihilo na ako sa sobrang antok. Kung puwede nga lang humilata sa mga binibentang mattresses doon sa mall ay ginawa ko na.

Dito ko nakita ang Hotel Sogo na kadikit lang ng SM City Santa Mesa. Alam ko ring maraming mga motel (biglang-liko?) na malapit sa Santa Mesa, pero hindi ko na kailangan pang lumayo, dahil kaharap ko na mismo ang Sogo.

Hindi ko inalintana kung ano man ang persepsyon ng mga Pinoy sa lugar na ito at kung ano pa man ang sasabihin ng iba. Unang-una, wala naman akong tinatago. Isa pa, wala rin namang nakakakilala sa akin doon. Kaya’t binaybay ko na ang daan patungong Sogo.

Sa aking pagpasok at paglapit sa front desk, ay tinanong ako ng receptionist kung anong klaseng kwarto ang gusto ko, at kung gaano katagal ako lalagi doon. Dahil ang nais ko lang ay matulog ng ilang oras, kaya’t short time lang ang aking pinili, at basta ba may kama sa kuwarto ay sapat na sa akin. Hindi ko kailangan ng jacuzzi, o complimentary champagne, o ng disco ball, o ano pa mang romantic amenities.

Hindi ako tinanong ng receptionist kung may kasama ba ako. Siguro alam na nilang maraming nagche-check-in sa hotel ang hindi magkasabay kunwari sa pagdating, para hindi mahalata kung mayroon man silang tinatago. Siguro mayroon din silang “no questions asked” na policy para sa privacy ng kanilang mga customers.

Ako’y pumanhik sa silid na ibinigay sa akin. Maliit lamang ito, at kasya lang ang isang kama. Mala-bartolina ito dahil wala itong bintana. Mayroon naman itong gumaganang aircon at mayroon din itong TV, pero hindi ko na tinangkang buksan ang TV dahil wala naman akong balak manood. May maliit na banyo rin itong kasama na may shower. Malinis din naman ang silid, at tulad ng slogan nila, “so clean, so good.” (Wala po akong komisyon galing sa Sogo.)

Sa aking pagbulagta sa kama, ay tinakasan na ako ng aking ulirat. Nahulog na ako sa napakahimbing na pagtulog, at wala na akong namalayan pa sa aking kapaligiran. Para akong na-knock-out ni Pacquiao. Kung may mga kakaibang kaluskos, indayog, ungol, hikbi, sigaw o ano pa mang mga kababalaghan sa mga katabing kuwarto ay wala na akong alam.

Matapos ang tatlo o apat na oras ng malalim na pagtulog ay ako’y muling nagkamalay. Namalikmata ako sa aking pag-gising. Mga ilang sandali rin ang lumipas bago ako natauhan kung saang lugar ako naroroon.

Naninimbang akong lumakad na parang lasing patungo sa banyo. Matapos ang malamig na shower ay tuluyan na akong nagising.

Aking kinulekta ang aking gamit, at nanaog na sa lobby ng hotel. Aking sinauli ang susi ng kuwarto sa receptionist. Maaring nagtatanong ang tingin nito kung sino at nasaan ang aking kasama, o kalaguyo, o kulasisi. Wala akong imik na lumabas ng hotel, at hinayaan ko na lang ang mga matang nakamasid na humabi ng mga kwentong mula sa kanilang malikot na pag-iisip.

So long, farewell, and so I go, Sogo.

sm-centerpoint-sta-mesa

SM City Sta. Mesa and Hotel Sogo (next building)

(*photo from the web)

 


Pampalaglag

$
0
0

A post-Valentine’s story……

Sa isang maliit na barrio sa Pilipinas, isang babae ang nagpatingin sa duktor. Siya ay desperada.

“Doc, sana po ay matulungan ninyo ako. Wala po akong ibang mapupuntahan. Gusto ko pong magpalaglag,” ang halos na umiiyak na sambit ng babae.

Tinanong ng duktor ng ilang mga katanungan ang pasyente.

“Hija, ano ba ang iyong nararamdaman?”

“Kasi po lumalaki na ang aking tiyan, at para po itong laging humihilab,” sabi ng babae, “at lumalakas din po akong kumain.”

“May asawa ka ba,” ang tanong muli ng duktor.

“Wala po, pero mayroon po akong nobyo,” ang sagot ng babae.

“Anong sabi ng iyong nobyo tungkol sa problema mo,” and uling usisa ng butihing duktor.

“Hindi raw po muna siya makikipagkita sa akin, hangga’t hindi ko po raw nalulunasan ang problemang ito,” ang malungkot na dagdag ng babae.

“Ano naman ang payo ng iyong mga magulang,” ang tanong pa ng duktor.

“Ayaw ko pong malaman nila, at baka hindi po nila ako matanggap,” ang mahinang sagot ng kaawa-awang babae.

Marami pang naging tanong ang magaling na duktor, at sinagot naman ng babae ang lahat ng mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

Matapos makuha ng duktor ang buong kuwento, ay kanya nang in-eksameng mabuti ang pasyente. Naging detalye at masinop ang duktor sa kanyang eksaminasyon.

Sumulat na ng reseta ang duktor at ito’y inabot sa kanyang pasyente.

“Hija, ito na ang mabisang gamot para sa iyo. Inumin mo ito ngayong gabi at bukas na bukas din, sigurado akong mawawala na ang iyong problema,” ang kumpidanteng sabi ng mabuting duktor.

Dali-daling nagtungo sa botika ang babae at binili ang niresetang gamot ng duktor.

Nang kinagabihan na, ay ininom ng babae ang resetang gamot sa kanya. Tatalab kaya ito? Malulunasan kaya ang kanyang problema? Ano kaya ang sasabihin ng kanyang mga magulang? Ano kaya ang magiging opinyon ng mga ibang tao? Makikipagbalikan na kaya sa kanya ang kanyang boyfriend?

Nang kinaumagahan na ay nakaramdam ng matinding sakit ng tiyan ang babae. Parang umiikot at gumigiling ang nasa sa loob na kanyang dala-dala. Butil-butil ang kanyang pawis at para baga siyang nanglalamig. Pakiramdam niya ay para siyang nakakain ng panis na pansit at kailangan niyang ilabas ang sama ng loob. Hindi na niya mapigilan.

Mabilis siyang tumakbo sa banyo. At sa kanyang pag-upo ay biglang lumuwal ang isang malaking kulapol ng patay na………..

Bulate!

Ang niresetang gamot? Combantrin.

(*Ang kathang isip na kwentong ito ay sanhi ng aking pagkalipas gutom.)

 

 


Weight on My Shoulder

$
0
0

Ever since I have chosen this career, I have this feeling of weight on my shoulder every time I am at work. There’s always something around my neck.

It’s not that I feel like Atlas, the Titan in Greek mythology who was condemned to hold up the sky for eternity. No, nothing like carrying the world on my shoulder.

I know this profession can be stressful. And in fact it is always in the top 10 of most stressful jobs in the world. Though it may not be as much stress as police officers, fire fighters, and enlisted military personnel.

On the other hand, at least our profession is handsomely compensated. I agree though that the salary for police officers, fire fighters and the military should be increased, for the services they provide and the risks they take just to perform their duties.

But this weight on my shoulder and this feeling of something hanging around my neck could be a badge of pride as well. A symbol of our profession if you will.

Come to think of it, there may be other ways to bear this, but this is the easiest way to carry this load. That is around our neck. Thus I would always carry this weight on my shoulder, perhaps until I change career or until I retire.

Like what the Beatles’ song say:

Boy, you gotta carry that weight,
Carry that weight a long time,
Boy, you gonna carry that weight,
Carry that weight a long time.

If you’re wondering what is this weight on my shoulder?

I am just pertaining to the stethoscope that I always carry around my neck when I am working.

Were you thinking of the load of responsibility that we are burdened with? Well, that too. Especially when we’re in charge of the ICU.

By the way a stethoscope only weighs 6 ounces, which is not even half a pound. Unlike the taho vendor in the Philippines who has to carry that enormous weight on their shoulders as they go through streets after streets, just to make a living.

I really have nothing to complain about.

 


Ang Aking Bakyang Tsinelas

$
0
0

Noong makalawang araw ay napansin ng aking misis ang aking pambahay na tsinelas. Pudpod at gulagulanit na raw ito. Oo nga naman, mahigit sampung taon ko na ring gamit gamit ito. Naghihingalo at nagmamakaawa na ang aking tsinelas. Humihingi na ito ng kapalit.

Marami akong naging tsinelas mula nang ako’y bata pa. Aaminin ko nagsuot ako ng bakya noong  nasa Pilipinas pa ako. Pero bago ko sabihin kung bakit ako nagsuot ng bakya, ay talakayin muna natin ang tungkol sa tsinelas.

Tayong mga Pilipino ay may magiliw na relasyon sa ating mga tsinelas. Marami tayong klase ng tsinelas na iba’t ibang uri at yari. May goma, abaka, alpombra, balat (leather), kahoy (gaya ng bakya), plastic at iba’t iba pa.

Kung ikaw ay dadalaw sa isang bahay sa Pilipinas, ang unang bubungad sa iyo ay ang mga iba’t ibang kulay ng tsinelas na nagkalat sa may pintuan ng bahay. Kung ikaw ay bisita, kapag hinubad mo ang iyong sapatos pagpasok sa bahay, ay maaring alukin ka rin ng tsinelas na pambahay para iyong isuot.

slippers

photo from jllanderal.wordpress.com

Dahil na rin siguro sa ating maiinit na klima, kaya tsinelas lang ang ating parating gamit. Kung mamamalengke, o mamamasyal, pupunta ng mall o bangko, tsinelas lang ang suot ay sapat na. Marami ngang mga manggagawa ang nakatsinelas lang sa kanilang trabaho. Siyempre pagpupunta sa beach, ay tamang-tama ang tsinelas. Kung hindi naman beach, at sa baha ka lang lulusong, ay okay pa rin ang tsinelas.

Hindi ko sigurado kung sinong unang nag-imbento ng tsinelas. Maraming prueba na kahit noong maagang sibilisasyon ay may gamit ng saplot sa paa ang tao. Ito ay yari sa dahon, o hibla ng halaman, o kaya ay balat ng hayop. Ang ancient Egyptians ay nagsusuot na ng tsinelas na tulad ng modern-day flip-flops mula pa 1500 B.C. Ang mga sundalong Romano naman ay may sandalyas na may tali hanggang binti, na ang tawag ay caliga.

Sa kasaysayan rin ng China ay matagal nang gamit ang tsinelas. Sila rin yung nagpauso na ginagapos ang paa ng mga batang babae para manatiling maliit ang kanilang mga paa. Maganda raw sa panahon na iyon ang maliit ang paa. Yung kapitbahay namin sa Maynila na Instik, ang kanilang lola ay maliliit ang paa, dahil siguro sa pagsusuot ng bakal na tsinelas.

Ang salitang tsinelas ay galing sa salitang Kastila na “chinela” na nangangahulugang slipper or sandal. Panahon pa ng Kastila ay usong-uso na ang tsinelas sa Pilipinas.

Kahit si  Jose Rizal ay may kwento tungkol sa tsinelas. Isang araw nang bata pa raw si Rizal, siya at ang kanyang kuya ay sumakay sa bangka. Habang sila’y nasa bangka, nahulog ang isang tsinelas ni Rizal sa ilog, at ito’y inanod papalayo. Nang malaman niya na hindi na niya ito makukuhang muli, ay itinapon na rin niya ang natitirang pares sa ilog. Paliwanag niya sa kanyang kuya, dahil hindi na niya magagamit kung isang pares lang, subalit baka sakaling may makapulot ng dalawang pares ng kanyang tsinelas, at ito’y mapakinabangan muli. Bayani talagang mag-isip si Rizal.

Dahil sa papularidad ng tsinelas sa ating bansa, may mga bayan na may piyesta ng tsinelas. Sa Liliw Laguna, tuwing Abril ay may “Gat Tayaw Tsinelas Festival,” at sa Gapan Nueva Ecija naman, tuwing Agosto ay mayroon din silang Tsinelas Festival. Sa mga piyestang ito kanilang ipinagbubunyi ang mga lokal na yaring tsinelas, at dito rin makikitang pumaparada ang mga higanteng tsinelas.

9ed95689e383d2cc85db4bee278dc465

Tsinelas Festival, Liliw Laguna (photo from yahstar.com)

Noong ako’y bata pa, kahit nasa loob lang ng bahay ay naka-tsinelas kami, na kadalasan ito ay yari sa alpombra. Taga-Marikina ang ninang ng aking ate, kaya kung Pasko o kapag dumadalaw siya sa amin, lagi itong may regalong tsinelas na yaring Marikina para sa aming magkakapatid.

Noong nasa elementarya kami ay may naging project kami na gumawa ng pambahay na tsinelas. Ito ay yari sa lubid ng abaka na idinikit namin sa cardboard na hugis ng aming paa. Ilang araw ko lang ito nagamit dahil ito’y bumigay kaagad. Hindi kasi pulido ang aking pagkakagawa. Kaya siguro hindi ako naging sapatero.

Paglalabas naman ng bahay, ay rubber na tsinelas ang aking ginagamit. Kahit nagbabasketball ako sa kalsada, ay nakatsinelas lang ako. Napakarami kong tsinelas na napudpod, napigtal, o nasira sa pagbabasketball. Nasubukan mo bang lagyan ng perdible (safety pin) o alambre yung napigtas mong tsinelas? Gawain ko iyon noon.

Isa sa gusto kong tsinelas noon ay Spartan, dahil sa tingin ko ay medyo matibay ito. Sabi nga ng kanilang commercial, “Nasaan ang tibay mo?” Ang ibang mga brand noon ay  Bantex, Beach Walk at Islander. Mayroon ding Rambo na brand, na nauso noong naging sikat ang pelikulang Rambo. Hindi ko lang alam bakit ito ang pangalan, dahil naka-combat boots naman si Rambo at hindi nakatsinelas.

Gamit ko rin ang aking tsinelas sa paglalaro ng tumbang preso. Ito yung laro kung saan pinupukol mo ang lata ng iyong tsinelas. Ilang mga bata kaya ang nawala ang tsinelas sa paglalaro ng tumbang preso? Naglalaro din ako ng sipa (tingga at balot ng kendi) kahit nakatsinelas. Pipihitin ko lang sa may sakong ang aking tsinelas, ay sapak na sapak nang maglaro ng sipa.

Maniwala ka man o hindi, ang aking tsinelas ay akin ding naging sandata. Hindi sumasabog ang aking tsinelas at wala rin itong patalim na gaya ng sapatos ng kalaban ni James Bond. Hindi ko sa kaaway ginagamit ang tsinelas. Ang tisnelas ay sandata ko laban sa mga tinginingining na mga ipis! Aking aapakan o hahambalusin ang mga gumagapang na ipis, o kaya naman ay babalibagin kung sila ay air-borne.

Ang nanay ko naman, gamit din ang tsinelas (see previous post) para pamalo sa amin, kapag kami ay makukulit. Buti na lang nga at tsinelas na pambahay lang ang gamit niya, at hindi yung palu-palo sa paglalaba.

Ang dami talagang silbi ng tsinelas para sa ating mga Pilipino. Pero kung minsan, ang antas ng ating buhay ay hinuhusgahan sa ating suot na tsinelas. Maaring nakatsinelas nga pero Havaianas o kaya’y Birkenstock ang tsinelas. Sosyal! Kaya naman ‘di magkaugaga natin silang pagsilbihan at bigyan pansin. O baka dahil mumurahin lang o kaya nama’y gusgusin at sira-sira ang suot na tsinelas, kaya’t binabalewala lang natin sila, o tingin natin sa kanila ay bakya. Hindi ‘yung sinusuot, kundi bakya na ibig sabihin ay low-class o cheap.

spartan

Sana naman ang pagtingin natin sa tao ay pantay-pantay. Sosyal man ang tsinelas o bakya. May tsinelas man o wala. Sa paningin ng langit, tayong lahat ay pare-parehong nakayapak at walang dapat ipagyabang.

Mabalik tayo sa aking bakya. Oo, gumagamit ako ng bakya noon. Hindi ko ito suot papuntang palengke o kapag lumalabas. Hindi ko rin ito ginamit pangbasketball. Pero kung maapakan ka ng bakya kung nagbababaskeball? Siguradong patay. Patay ang kuko!

Ang gamit kong bakya noon ay sa loob lang ng aming bahay. Sirit na?

Tulad ng mga banyo sa Pilipinas, ang aming banyo’y laging basa ang sahig. Dahil ayaw naming magputik ang sahig, at dahil ayaw ring mabasa ang paa, kaya’t may bakya kami sa banyo, na para sa loob ng banyo lang. Aminado ako, ginagamit ko ang bakyang ito kapag ako’y gumagamit ng banyo.

Akala ninyo si Neneng lang ang nagbabakya?

(*comic strip is from Pugad Baboy)



Walking in the Land of History

$
0
0

In my lifetime, there are trips that I really cherished. Journeys that have deep personal meaning, that they are more than just trips.

Like the trip we made a few years back to the place that gave me so much inspiration since my teenage years (see previous post). And to see and be there in person in that awe-inspiring place was a life-fulfilling dream.

IMG_7306

me in the Grand Canyon

Then there are the trips that are always dear to me. Trips that bring me back where I came from. That even though how far I wandered, this place always pulled me back, for this is where my heart is. Home.

DSC_0601

photo taken somewhere in the Philippines

This year we made another epic journey. To a place whose relevance is more far-reaching than the place itself. A place so rich in history, that the events that happened here changed the course of humanity. This place has a special spiritual meaning to me: to walk where my Savior walked.

Jerusalem as viewed from the mount of Olives


(*More post of our trip to Jerusalem to follow. No, not the musical chair, but the real trip to Jerusalem).

Oh My Gulay!

$
0
0

The Filipino language is rich in interesting idioms and expressions, that make our conversations more colorful. Like the expression, “isang bulate na lang ang hindi pumipirma,” which means near-death condition. It definitely sounds light-hearted on an otherwise grave predicament.

Anyways, since it’s summer here where I live, and we have planted some vegetables, I would like to showcase our use of vegetables (gulay) in our idioms and expressions, and their respective meaning.

1. Nagmumurang kamias.

This means an “old” individual acting like “young.” For instance, a grandma trying to dress-up like a teenager, perhaps with a hanging shirt and short mini-skirt. In other words, it is used to describe people who are not acting appropriately their age.

Example: Pare, ‘yung lolo mo nagmumurang kamyas, niyaya ba namang i-date niya ‘yung pinsan kong kolehiyala.

2. Pulis Patola

The term means a good-for-nothing cop. I think the term is use, as policeman usually carry a baton (batuta). But here it is described as the police carrying a patola instead of a baton. There’s even an action-comedy movie with that title in the 1990’s.

The expression of “sundalong-kanin” have a similar connotation, a useless soldier whose only contribution in the battle is to consume the rice ration.

Example: Sabi ni General Bato, ititiwalag niya lahat ng mga Pulis Patola.

3. Nangangamatis

This term is used to describe something that is swelled up and inflamed, like a tomato that is plump and red. But mostly the term is reserved for a complication after a boy’s circumcision. Definitely you don’t want that term to describe the you-know-what after being circumcised.

Example: Hijo, pagkatapus mong tuliin, langgasin mo araw-araw, para hindi mangamatis.

4. Nangangamote

Nangangamote means having difficulty or failing to do well. We also use the term kamote to describe somebody who is dim-wit or unintelligent. For sure, you don’t want to be called anak ng kamote. You don’t want to receive the kalabasa award either.

I am not sure why we use kamote as a derogatory term. Kamote for all I know is a highly nutritious food and don’t deserve to be treated with disdain.

Example: Nangamote ka naman sa exam, mas bobo ka pa sa row 4.

5. Mani-mani lang

This term is the opposite of nangangamote. Mani-mani lang means it was so easy that you breezed through it whatever it was. Again, I don’t know why we favor mani (peanut), but hate kamote.

Mani is also used as a slang term for a female’s anatomy. Yes, the counterpart of that thing I mentioned above that can become nangangamatis.

Example: Mana sa akin sa pagka-genius ‘yung pamangkin ko, kasi minani-mani lang niya ang Quantum Physics.

6. Giyera Patani

This is an old expression that means a fight or an argument without causing serious harm or consequences. As you know, a patani (lima bean), is a pod vegetable that has lightweight seeds. And even if you hit somebody with these seeds, it will not cause grave injury.

Example: Hanggang giyera patani lang naman ang away namin ng misis ko.

7. Pupulutin sa kangkungan

This term means a summary execution without having a trial. In other words it is extra judicial killing (EJK), which nowadays is a very hot topic of contention. The origin of the expression is that one way of hiding a “salvage” victim’s body is to dump it in the swamps or where there’s a heavy growth of kangkong (swamp cabbage).

Example: Kung hindi ka tumigil sa pagiging addict, baka pupulutin ka na lang sa kangkungan balang araw.

8. Mala-labanos ang kutis

This expression is comparing the complexion of someone’s skin to be like labanos (horse-radish), which is white and smooth. I am not sure though why we who are supposed to be proud to be lahing kayumanggi are so pre-occupied and trying so hard to be “white.” Just look around and we are so inundated with all those advertisements of whitening products.

Example: Gumagamit kasi ako ng mga Belo products kaya’t mala-labanos na ang kutis ko ngayon.

9. Parang luya

Unlike the expression mala-labanos which is mostly deemed as a compliment, the expression parang luya is far from being one. In fact it is an insult. The term is usually used to describe an ugly feet. This is due to the fact that luya (ginger) has crooked and contorted branching fingers.

Example: Kahit anong pa-pedicure mo, parang luya pa rin ang mga paa mo.

10. Balat-sibuyas

This term is used to describe a person that is easily hurt or sensitive to criticisms. This idiom is due to the fact that the onion has very thin skin. I am not sure if the added fact that peeling and cutting onion makes one cry, contributes to the meaning of the term.

Example: Balat-sibuyas naman itong si Dagul, sinabihan lang na malakas pa siya sa balyena kung kumain, ay umiyak na.

*******

That’s all for now folks. I know there’s still a lot of vegetables mentioned in the song Bahay Kubo that we have not covered here. So if you know more vegetable expressions, please drop me a comment. Thank you for reading.

 


Doctor, Doctor, I am Sick

$
0
0

Sa isang Health Center sa maliit na barrio sa Pilipinas……

Pasyente: Doc, sumasakit po ang mata ko.

Duktor: Paanong sakit?

Pasyente: Para po siyang tinusok.

Duktor: Ah ganoon ba? Kailan pa iyan?

Pasyente: Doc, tuwing umiinom po ako ng maiinit na kape.

Duktor: Eh kapag umiinom ka ng malamig na tubig? Sumasakit din ba ang mata mo?

Pasyente: Hindi naman po.

Duktor: Kapag umiinom ka ng soft drink? O kaya ng beer?

Pasyente: Hindi rin po.

Pinagmasdan ng duktor ang pasyente, at nakitang may parang bugbog sa talukap ng mata ang pasyente.

Duktor: Alam ko na ang sanhi ng pananakit ng mata mo. Madali lang din ang solusyon sa problema mo.

Pasyente: Talaga po? Ano po iyon?

Duktor: Bago mo higupin ang kape mo, ay tanggalin mo muna ang kutsara sa tasa, para hindi matusok ang iyong mata.

********

Susunod na pasyente……

Duktor: Napabalik ka? Mabisa ba yung nireseta kong gamot sa iyo?

Pasyente: Kaya nga po ako bumalik Doc, kasi hindi po magaling iyong gamot na ibinigay ninyo. Para pa ring sinisilaban ang aking tumbong. Masasakit at gabulaklak pa rin po iyong mga almuranas ko.

Duktor: Ginamit mo ba iyong nireseta kong gamot?

Pasyente: Opo. Araw-araw pa nga po, hanggang maubos iyong nireseta ninyo.

Tinignan ng duktor ang kanyang medical chart at sinigurado kung tama ba ang binigay niyang gamot.

Duktor: Sang-ayon sa record ko, niresetahan kita ng Kontra-almuranas na suppository para sa isang lingo.

Pasyente: Oo nga po. Hirap na hirap nga po akong lunukin iyon, at ang sama-sama pa po ng lasa!

*********

Pangatlong pasyente………

Pasyente: Doc, sana po matulungan ninyo ako. Feeling ko po invisible man ako. Kasi wala po sa aking pumapansin, eh.

Duktor: Next patient please!

*********

Sumunod na pasyente………

Tatay: Doc, pakitignan naman po ninyo itong aking anak.

Duktor: Ano bang nangyari sa anak mo?

Tatay: Nalulon po niya yung pang-ahit kong blade.

Duktor: Ha?! Kailan pa?

Tatay: Noon isang linggo po.

Duktor: Bakit ngayon mo lang dinala at ano ang ginawa mo?

Tatay: Eh di ginagamit ko na lang muna na pang-ahit  ‘yung labaha po.

********

Huling pasyente………

Pasyente: Duktor, hindi po ako nireregla.

Duktor: Baka naman buntis ka?

Pasyente: Naku, sana nga magdilang anghel kayo! Pero wala naman pong lalaking pumapatol sa akin kahit anong gawin ko. Kaya sigurado po akong hindi ako buntis.

Duktor: Teka, kailan ka pa ba hindi nireregla?

Pasyente: Mula’t sapul po hindi ako dinadatnan ng pagreregla.

Mataimtim na kinilatis ng duktor ang pasyente.

Duktor: Hija, masakit ko mang sabihin sa iyo, pero hindi ka talaga magkakaregla.

Pasyente: Bakit po?

Duktor: Eh kasi lalaki ka.

********

(Ang mga kuwentong ito ay hatid sa inyo ng kabag…… sa utak. Pasensiya na po’t kailangang kong ilabas.)


Question and Answer: Sakit sa Balakang (2)

$
0
0

I have been asked diverse questions on this blog, from how much is a kilo of chicken liver, or where to get anting-anting, to how to counter a kulam. But there are some medical questions as well.

A certain Adrian, asked me a question regarding his condition, and I would like to answer him through this post. I hope the information here would help him and others who may have a similar problem.

Hi Doc,

May ilang buwan na din po nasakit yung right side ng balakang ko pati po yung kanang binti ko. Ngayon nararamdaman ko parang lumalala na kase diko na mapaliwanag yung sakit, masakit na nangangalay. Nung una po nangangalay lang yung right leg ko kaya binalewala ko lang, sinisipa-sipa ko lang hanggang sa tumagal nararamdaman ko na lumalala na. Hindi na ko makatayo ng matagal kase nangangalay yung binti ko at sumasakit din hanggang sa pag upo yung balakang at binti ko sabay sumasakit na parang na-ngilo 😑.

Pati sa pag higa nangangalay pa din kaya palagi ako nakatagilid, hanggang sa pag gising at pag bangon ko doc masakit. Hindi ko na kaya iunat yung dalawang binti ko kase sumasakit ng sobra yung likod ko dun sa gitnang part ng balakang. Pati pag yuko masakit parang konektado sa buto pababa ng binti yung sakit kapag nayuko ako 😢.

Doc may simtomas ako ng scoliosis. Dahil po ba dun yon kaya sumasakit yung balakang at binti ko?

Nagpa check-up na po kame sa doctor. Nag pakuha na po ko ng ihi at dugo at wala naman nakita. Niresitahan lang ako ng gamot tapos nag pa x-ray ako. Hindi naman ganun kalala yung scoliosis ko pero napansin ko na hindi na pantay yung balakang ko, doc mejo mataas yung right side. Patulong naman doc 😞.

Salamat po.

Salamat Adrian sa iyong tanong. Dahil medyo extensive and pagkaka-describe mo ng mga sintomas mo, kaya may idea ako kung anong nangyayari sa iyo. Siyempre iba pa rin yung tunay na harap-harapang pag-tingin at pag-examen sa iyo ng duktor.

Una sa lahat ang tungkol sa scoliosis. Scoliosis is defined as lateral curvature of the spine. Maraming maaaring sanhi ng scoliosis, tulad ng neuromuscular disease (tulad ng polio), vertebral disease (tulad ng osteoporosis, tuberculosis of the spine, Rickets), disorder of connective tissue (gaya ng mga genetic disorder na Marfan’s syndrome at Ehler Danlos syndrome), at iba pa.

Kadalasan ang pinakaapektado ng scoliosis ay ang thoraco-lumbar area. Kung malala talaga ang curvature ng scoliosis, maaring maapektuhan ang mga chest organs tulad ng baga at puso, dahil unti-unti silang naiipit o nasasakal. Maari ring maapektuhan ang mga muscles ng braso at hita at ito’y humihina.

Ang evaluation ng scoliosis ay sinusukat kung gaano kalala yung angle ng curvature. Kung hindi naman masyadong malala, ay pwedeng conservative management lang, tulad ng mga strengthening exercises and therapy sa spine o kaya ay paglalagay ng brace.

Kung talagang malala naman ang curvature, ay maaring lagyan ng bakal (rods) ang spine para ito dumiretso. Payo ko lang, huwag lang sa magbabakal o sa talyer kayo magpalagay ng bakal sa likod, kung hindi sa kwalipikadong orthopedic surgeon.

Adrian, hindi ko matiyak kung ang nararamdaman mo ay sanhi ng iyong scoliosis. Pero sa pagkaka-describe mo, ang aking hinala ay lumbosacral radiculopathy ang iniinda mo. Ibig sabihin, parang naiipit na yung ugat (nerve root) sa may vertebrae mo sa lumbosacral area, kaya’t parang nangangalay, sumasakit, at nanghihina ang iyong likod, balakang at mga binti.

Ang mga pinakamadalas na sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay vertebral disc herniation (disc bulging out causing nerve root compression) at spondylosis (narrowing of the intraspinal canal due to degenerative arthritis). Mga iba pang sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay infection, inflammation, neoplasm (tumors), at vascular disease.

Ang pinaka-magandang evaluation kung hinihinalang may lumbosacral radiculopathy ay CT scan o kaya MRI of the spine. Ang simpleng x-ray lang ay maaring hindi sapat na evaluation.

Hindi naman lahat ng sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay kinakailangan ng surgery. Minsan pwedeng gamot lang gaya ng anti-inflammatory agents, o exercises, o physcial therapy ay uubra na. Baka makatulong kahit si Mang Kepweng.

Pero rinirikumenda ko pa rin na mag-follow-up ka sa iyong lokal na duktor, at kung kinakailangan kang i-refer sa espesyalistang nararapat, ay ito ang pinakamabuting gawin mo.

Adrian, sana ay nakatulong ito sa iyo. At paki-padala na lang yung dalawang hopiang munggo na bayad ko. Salamat po.


Gang-gang, Ging-ging, Gung-gung

$
0
0

Kung ikaw ay Pilipino o lumaki ka sa Pilipinas, ay sigurado akong may kakilala kang Bam-Bam, o Bong-Bong, o Che-Che, o Don-Don, o Jun-Jun, o Nene, o Ning-Ning, o Ping-Ping, o Toto. Siguro idagdag mo pa sina Mac-Mac, Mik-Mik, Mimi, Noy-Noy, Jan-JanLan-Lan, Lot-Lot, Jojo, Pen-PenTin-Tin, Ton-Ton, Kaka, RaraNana, Nini, NonoGang-Gang at Ging-Ging. Lahat ng mga pangalang binanggit ko ay mga kakilala ko.

May kilala rin akong Gaga at Gung-gung. Marami sila.

Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay mahilig sa mga pangalang inuulit? Siguro ay makulit lang tayo kaya’t gusto natin ng inuulit-ulit. O kaya nama’y sobra lang tayo sa imahinasyon na gumawa ng makwela o mabantot na pangalan? Pero kung tutuusin uso na ang pangalang inuulit panahon pa ni Lapu-Lapu.

Hindi lang pangalan ng tao, kundi kahit mga lugar sa Pilipinas, ay may pangalang inuulit. Gaya ng Taytay, Iloilo, Guagua, Wawa, Tawi-Tawi, Sanga-Sanga, Hinulugang Taktak, at Mount Hibok-Hibok. Ako naman ay lumaki sa may Balik-Balik. Ang kulit ‘no?

DSC_0150

Meron din tayong mga pagkaing Pilipino na binigyan natin ng pangalang inuulit. Tulad ng kare-kare, bilo-bilo, tibok-tibok, pichi-pichi, kwek-kwek at poqui-poqui. Hindi po bastos ‘yung huling putahe, lutong Ilocano po iyon.

Siguro isama na natin pati tawag natin sa mga hayop. Mula sa maliit na kiti-kiti, hanggang sa malaking lumba-lumba. Andiyan din ang paru-paro, gamu-gamo, batu-bato, sapsap, at plapla. Pati nga bulaklak, gaya ng ilang-ilang at waling-waling. Bilib ka na?

At siyempe pa, pati maselang bahagi ng ating katawan, ang tawag natin ay inuulit din. Hindi lang kili-kili ang tinutukoy ko. Pati ti__, pek__, at su__. Awat na?

Aking nabasa na hindi lang daw ang wikang Pilipino ang mahilig sa mga inuulit na salita. Ang ating wika ay nagmula sa pamilya ng Malayo-Polynesian na mga lingwahe. Ang mga wikang ito ay may hilig na magdikit-dikit at magkawing-kawing ng mga kataga upang gumawa ng mga bagong salita. Maraming pagkakataon, inuulit ang unang component ng salita. Kaya siguro may Mahimahi sa Hawaii, at may Bora-Bora sa French Polynesia.

Kaya kung pinangalanan kang Pot-Pot o Keng-Keng, ay sisihin mo na lang ang ating mga sinaunang ninuno at mga tatang. Anak ng teteng talaga!

Kadalasan kapag ang isang salita ay inuulit ay tumitindi ang kahulugan nito. Kumbaga sa Ingles, ito’y nagiging superlative. Tulad ng kapag sinabing ang husay, ibig sabihin ay magaling. Pero kapag sinabing ang husay-husay, ay ibang liga na iyon at maaaring genius na ito. Kapag laksa, nangangahulugan ito’y marami, subalit kapag laksa-laksa, siguradong matatabunan ka na ‘nun. Kapag sinabing ang pangit mo, ay baka nagsasabi lang sila ng totoo. Pero kapag sinabihan kang ang pangit-pangit mo, ay insulto at away na ang hanap nito. Brod, tara sa labas!

Mayroon din tayong mga salita na tuluyang naiiba ang kahulugan kapag inuulit. Tulad ng bola, ito ‘yung isinu-shoot sa goal. Pero kapag bola-bola ito yung tinutusok at sinasawsaw. Baka iba namang tinutusok at sinasawsaw ang nasa isisp mo? Fishball tinutukoy ko ‘Te. Kapag sinabing turo, maaring tungkol sa maestra o sa paaralan. Pero pag-sinabing turo-turo, ay karinderya na ‘yan. Kapag halo lang ay parang walang dating sa akin. Ngunit kapag binanggit mong halo-halo, ay maglalaway na ako, dahil miss na miss ko na ‘yan.

Maari ring inuulit ang isang salita para ibahin ang verb tense ng isang pangungusap. Tulad ng hawak, ginagawang hawak-hawak para maging present participle tense. Kung baga sa Ingles, dinadagdagan ng –inglike hold to holding. Suot ginagawang suot-suot. At ang salitang bitbit, kahit inuulit na ito, pero uulit-ulitin pa rin.

Example: Bitbit-bitbit ni Pepe ang patpat at tingting.

Meron din naman tayong mga salita na kapag hindi inuulit ay walang kahulugan. Gaya ng sinto-sinto na ang ibig sabihin ay baliw. Ano naman ang ibig sabihin ng sinto? Medyo baliw? O kaya’y guni-guni na ibig sabihin ay ilusyon lang. Ano naman ang ibig sabihin ng guni? Kalahating ilusyon lang? O kaya naman ay kuro-kuro, na ibig sabihin ay opinyon. Ano naman ang kuro? Walang opinyon?

May mga salita ding inuulit, na tayo lang mga Pilipino ang tunay na nakakaintindi, dahil kasama na ito sa hibla ng ating kultura. Tulad ng tabo-tabo, pito-pito, tagay-tagay, at ukay-ukay.

Bilang kunklusyon, maaaring sabi-sabi at haka-haka lang ang mga nilahad ko dito. Maari rin itong bunga ng aking pagmumuni-muni o kaya nama’y guni-guni lamang. O siguro ito’y mga kuro-kuro ng isang kukurap-kurap at aantok-antok na pag-iisip. Kaway-kaway na lang kung inyong naibigan. At huwag namang bara-bara at sana’y hinay-hinay lang sa pagtawa, at baka mapagkamalian kayong luko-luko at luka-luka. Salamat po.

(*photo taken in Bagac, Bataan)

 

 


Marcha ng Patay

$
0
0

Sabihin na lang natin na hindi ko paborito ang subject na English noong ako’y nag-aaral pa. Hindi rin naman ako lumaki sa isang tahanan ng mga Inglisera. No spokening dollar in our house. Hindi naman sa nosebleed ako pag-Inglisan na, but English is not my strong suit. (Uy English ‘yon ah!).

First year high school nang sumali ako sa Cadet Officer Candidate Course(COCC), dahil gusto kong magkaroon ng ranggo bilang estudyanteng kadete. Isang hapon, habang ako’y nag-rereport sa isang commanding officer, buong lakas ng boses na sinabi kong “Sir, I want to be in the marching corps, sir!”

Biglang nagtawanan ‘yung mga nakaranig. Lalo na yung mga estudyante ng higher years. May isang grupo pa nga ng mga 4th year na halos gumulong sa lupa at maihi-ihi sa katatawa nang marinig nila ang sagot ko. Halos matunaw ako sa hiya.

Putris, malay ko ba na ang bigkas sa corps ay kor at hindi korps! Marching corpse? Pinagmarcha na ang patay!

Buti pa ang Tagalog, ang salitang aking kinamulatan, ay madaling basahin at bigkasin. Bawat letra ay iisa lang ang bigkas. Ang a ang laging a, ang e ay laging e, ang ay laging o. Hindi pabago-bago. Ang gago ay laging gago. Hindi geygo, o geygow, o gahjo.

Sa English, ang dami-daming paraan ng pagbigkas at pagbasa sa letra o salita. Ang a ay pwedeng ah, as in apple (apol), o pwedeng maging ey as in apron (eypron), o eh, as in hat (het). Nakaka-geygow talaga.

Minsan may mga letra na hindi binibigkas, o kaya nama’y iba ang pagbasa. Tulad ng salitang colonel. Kung ang bigkas mo dito ay kolonel, ay nagkakamali ka. Ang bigkas daw dito ay kernel. Tinamaan ng magaling, nasaan ang letrang R sa colonel? Isa pang example, ang salitang cache, ang bigkas ay hindi ka-tche o kaya ay ka-shey. Ang tamang bigkas raw ay kash.

May iba pang salita na kahit parehong spelling, pero iba ang pagbasa depende sa ibig sabihin. Tulad ng lead (to go in front), and bigkas ay lid.  Pero ang lead (metal) ang bigkas ay led. Ang bass (low, deep sound) ang bigkas ay beys. Pero ang bass (type of fish) ang bigkas ay bas. Sinong hindi mage-geygow?

Hindi ko akalain na darating pala ang araw na titira ako sa lupa na ang salita ay Ingles. Noong isang araw ay kausap ko ang kaibigan kong Englishman. Akin siyang pabirong sinisisi sa wika na kanilang inimbento na nagpapahirap sa ating mga Pilipino. Hindi niya tuluyang inako ang sisi. Sabi niya hindi raw mga Englishmen (British) o kahit mga Amerikano ang may kasalanan. Sisihin daw natin ang mga Pranses (French), dahil karamihan ng salitang mahirap bigkasin ay hugot sa salitang French.

Totoo nga naman dahil ang salitang corps, colonel at cache na aking nabanggit ay French word ang pinagmulan. Pero may mas mahihirap pang salitang galing sa kanila. Tulad ng coup d’etat. Pero kahit mahirap itong basahin, dahil sa daming coup d’etat na nangyari sa ating bansa, ay sanay tayong mga Pilipino na bigkasin ito, ku-de-tah. Isa pang salita, ang hors d’oeuvre na ibig sabihin ay appetizer. Kung ang basa mo diyan ay horse de over ay baka akalain nilang karera ang usapan. Ang bigkas daw diyan ay or-derv.  Anak ng tokwa, panghimagas na lang pinahihirap pa.

Pero dahil gusto ko ng French fries, French toast, at French kiss, ay mapapatawad ko ang mga Pranses.

Meron ding naman tayong mga pinahiram na mga salita na ngayon ay bahagi na ng salitang Ingles. Tulad ng boondock, mula sa ating salitang bundok. O kaya ay kilig, balikbayan at barkada na nasa Oxford English dictionary na. Pero siguro kapag binasa ng Kano ang barkada ito ay bahr-key-duh.

Nung nasa first year college naman, sa aming English literature class, ay pinatayo ako at malakas na pinabasa ng aming libro. Tungkol sa mythology ‘yung subject. Aking binasa: At the beginning there is only Chaos.

Naghagalpakan ang buong klase, kahit hindi naman ako nagpapatawa. Hindi ko naman ginagaya si Jimmy Santos mag-Ingles. Pati ang aming guro ay namula sa kakapigil ng kanyang tawa. Bigkas ko kasi sa chaos ay tchaos. Tangenge talaga! Kung hindi mo rin alam ang bigkas diyan, ito ay keyos. Na-geygow na naman ako.

Subalit kahit na nakasama ako sa parada ng mga tanga, at sumali sa marching corpse, pero nang mag-marcha na kami noong high school graduation, ay tumanggap naman ako ng mga award na Excellence in Math at Excellence in Science. Wala nga lang Excellence in English. At kahit pa chaotic (tchayotik) ang aking Ingles noong college, pero noong graduation na ay sinabitan naman ng medalya dahil nakatapos nang may honor na “cum latik.”

Sa ating buhay, huwag sana nating husgahan ang mga “bobo” sa English. Hindi lang ang pagsasalita ng Ingles ang basehan ng kaalaman at talino ng isang tao. At huwag din naman nating tawanan kung balu-baluktot mag-Tagalog ang isang tao. Maaaring Bisaya, o Ilokano, o iba pang katutubong wika ang kinamulatan nila, at ibig sabihin nito ay higit sa isa, o dalawa, o tatlong wika ang alam nila. Kaya’t lamang pa rin sila.

Diretso o bulol man ang iyong Ingles, ay ayos lang. Buti pa, maghalo-halo na lang tayo sa Chow-King. Or should I say Kaw-King?

(*Isinulat para sa buwan ng wika)

 


Chedeng at Chinelas

$
0
0

Noong makalawang araw ay bumisita sa aming bahay ang isang kaibigan, kasama ang kanyang asawa at panganay na anak. Siya ay isa ring Pilipinong duktor dito sa Iowa. Meron lang silang dinaanan dito sa amin.

Aking napansin na bago ang sasakyan niyang dala. Sabi niya, ipinamana na raw niya ang lumang Honda sa kanyang anak. Akin siyang kinantsawan na sobrang asenso na niya. Ika ko nga, “hindi ka na ma-reach!”

Kasi, naka-Chedeng na siya.

Malugod din niyang ipinakita ang mga features ng kanyang bagong kotse. Pinindot lang niya ang kanyang cellphone at umandar na ang kanyang kotse, kahit wala siya sa loob nito. Napabilib ako. Siguro pwede pa niyang i-program na utusan lang ang kanyang smartphone: “Siri, start my car.”

Mayroon din daw itong standard safety features, gaya ng automatic braking kung sakaling aanga-anga siya at hindi nakapag-preno kaagad, at nagbibigay din ng warning kung may sasakyan sa kanyang blind spot at kung siya ay antok-antok at lumilihis sa lane. Hindi lang din daw camera sa likod ang makikita niya kung siya ay umuurong, kung hindi 360º view. Higit sa lahat, kaya nitong magself-park, kahit pa parallel parking. Sabi ko nga, kulang na lang mag-drive ‘yung kanyang Mercedes na mag-isa.

Pero sang-ayon sa mga eksperto, by year 2020 or 2021, mayroon ng mass production ng self-driving cars, at available na ito sa lahat. Kahit sino ay pwede nang maging Knight Rider!

Habang ipinagyayabang ng aking kaibigan ang kanyang Mercedes, ay para kaming mga musmos na natutuwa sa bagong jolen, o trumpo, o kaya’y matchbox. Iyon nga lang, totoo ‘yung matchbox.

Noong ako’y batang paslit pa, ang kilala ko lang na luxury car ay Chedeng o Mercedes Benz. Kilala ko rin si Aling Mercedes, pero hindi siya kotse. Hindi ko pa alam noon ang BMW, Audi, Porsche, Jaguar, Ferrari, Cadillac o Lexus. Kilalang-kilala ko naman ang Sarao. Tingin ko sa mga naka-Chedeng noon ay sobrang yaman at sobrang matagumpay sa buhay.

Sa katunayan, wala nga akong kilalang naka-Mercedes noong ako’y nasa elementarya at high school pa, maliban sa isa. Siya ay crush ng bayan sa aming eskwelahan, dahil maganda na siya tapos naka-Chedeng pa. Ang tatay niya ay duktor, at sila ay nakatira sa Dasma (Dasmariñas Village).

Noong nasa kolehiyo na, ako ay namulat sa katotohanan na kahit sa mahirap na bansa’t lipunan pala, ay marami pa rin burgis. Marami akong naging kamag-aral na naka-Chedeng. May mga kaklase pa nga ako na may sarili silang kotse at naka-tsuper pa. Buong mag-hapon naghihintay lang ang kanilang tsuper sa may parking lot ng unibersidad. Hindi lang nga Mercedes Benz, may nakita pa akong estudyante na ang dina-drive ay Porsche. Okay lang, ako naman ay “Cadillac” – kadilakad.

Balik tayo sa kaibigan kong Pilipinong duktor dito sa Iowa. Habang kami ay nagku-kwentuhan ay aming napag-usapan na parang kailan lang ay mga musmos pa ang aming mga anak. Ngunit ngayon, pareho na kaming may anak na nasa kolehiyo. Ang bilis ng panahon.

Nagawi ang aming usapan noong kami ay nasa-kolehiyo pa. Siya ay nag-aral din sa Maynila. Nabangit ko na napakarami nang nagtataasang condominum sa Maynila pati sa university belt. Sabi naman niya ay marami na rin daw masasarap na kainan sa paligid-ligid ng university belt. Sa susunod niyang uwi sa Pilipinas, gusto raw niyang pumasyal at kumain sa mga turo-turo sa tabi ng unibersidad. Simple pa rin talaga ang trip ng kaibigan kong ito, down-to-earth pa rin.

Napag-usapan din namin kung paano kaming nakikipag-habulan sa mga jeepney, at kung paano kami halos makipagbalyahan at siksikan, makasakay lamang. Pinaririnig lang din naman namin sa aming mga anak kung gaano sila kaswerte ngayon, at hindi nila naranasan ang  hirap na aming dinaanan.

Jeepney_Benz

Chedeng na Jeepney

Hanggang sa napag-usapan noong kami ay nasa elementarya pa. Kwento ng aking kaibigan, dahil siya ay lumaki sa probinsiya, ay naglalakad lang daw siya araw-araw patungong paaralan nila. Ang pampublikong paaralan ay nasa kabilang barrio, kaya’t medyo malayo ang kanyang linalakad. Para mag-short cut, siya ay tumutulay sa pilapil ng mga palayan habang bitbit-bitbit niya ang kanyang chinelas para hindi maputikan. Minsan pa raw, binibitbit din niya ang kanyang chinelas para hindi ito maupod agad, upang makatipid.

Ako ay napangiti at napaisip. Ang batang nagbibitbit lang ng chinelas noon para hindi ito maupod, ngayon ay naka-Chedeng na.

Tignan mo nga naman talaga ang tadhana. Marunong pa rin itong ngumiti sa mga nagsisikap na umasenso sa buhay. Kahit na hindi Mercedes, ang kanilang pangalan.

(*photo from the web)

 

 



Fields of Gold

$
0
0

A few weeks ago, we visited a friend’s farm where they are experimenting if they can grow rice here in Iowa. In case you don’t know, we don’t plant rice here. The farms here in Iowa are mostly corn and soybeans. Though rice is grown in a few southern states of the US.

The rice that they are trying to grow here in Iowa is a different type of rice though. As you can see in the picture below, it is not growing in paddies that we Filipinos are more familiar with. This variety of rice is more sturdy to the cold weather and does not need irrigation or much water. Of course the part owner of this farm is a Filipino. As we Filipinos loves rice, where ever part of the world we are.

IMG_5421

Back in the Philippines, even though I grew up in the city, we went to my father’s province quite regularly when I was young. Their ancestral home was by the edge of a rice field. We spent many hours watching farmers work on those fields. We sometimes played in those fields too, hunted for palakang bukid (frogs) there, and even played tag with my cousins while running in the pilapil (dikes).

During harvest season, it was beautiful to see the palay (rice) with their golden grain swaying and dancing as the wind blows through them like the waves of the sea. I miss seeing those fields of palay.

In 1993, one of my favorite singers, Sting released the song “Fields of Gold.” The song opens and ends with these words:

You’ll remember me when the west wind moves
Upon the fields of barley
You’ll forget the sun in his jealous sky
As we walk in fields of gold.

Sting found inspiration to write that song as his house in England, a 16th century Wiltshire manor house, was surrounded by barley fields. Even though I am not familiar with fields of barley, I can somehow relate as I have seen “golden” fields of rice, which I believe has the same poetic appeal.

If Sting lived in the Philippines, he could have sung: “You’ll remember me when the west wind moves, upon the fields of palay.” And if he grew up in the Philippines, his name may not be Sting, but it could be Pagi (stingray), or Putakti (wasp), which we know can sting bad. Sorry I digress.

By the time the song Fields of Gold became popular, it was the time also that I left the Philippines. You could say that I left my native land in search of some greener pastures and in pursuit of “fields of gold.”

When I came to America, the first couple of CD’s I bought was albums of Sting. For several months, during my lonely moments, Sting kept me company. I listened to his melancholic songs of Fragile and They Dance Alone, and also sang along his upbeat songs like All This Time and If You Love Somebody Set Them Free. Sometimes he even serenaded me to sleep.

After living here in the US for some time, and after moving from New Jersey, then to New York, then to California, then to Florida, and finally settling here in Iowa, I believe I have found what I was looking for. I can even claim now that I am literally looking at fields of gold. With autumn season upon us and with changing fall colors, even the fields here are turning gold, signifying that harvest time is near.

Below is a picture of a ‘golden’ soybean field.

IMG_5486

I may have traveled long and far in pursuit of my dreams, but at least I can say that it brought me to my own fields of gold. I am not saying that I own those soybean fields. I don’t own corn fields either. I am not even talking about the soybeans, or cornfields, or even those rice fields. What I’m saying is this – what I own, is the realization of my dreams.

As I was running the other morning near these golden fields, the song Fields of Gold was playing in my mind. And if I may borrow from the lyrics of Sting, albeit with some changes:

Many years have passed since those summer days among the fields of barley palay
See the children me as I run, as the sun goes down up among the fields of gold.

IMG_5480

(*photos of soybean fields taken during my morning run)

 


Iba Namang White Christmas

$
0
0

Habang ako’y nagda-drive pauwi kagabi ay aking napuna na may mga butil-butil ng niebe (snow) na lumilipad. Matagal-tagal na rin namang kaming naghihintay ng snow, kahit na hindi ko paboritong libangan ang mag-shovel nito. Sabi kasi sa aming weather forecast, maaaring magkaroon daw kami ng 1-2 inches ng snow. Yey, White Christmas!

Pagbangon ko kaninang umaga ay dumungaw ako kaagad sa labas. Kakarampot naman pala ang snow na bumagsak. Ang kuripot naman!

IMG_6217

Dahil konting-konti lang ang aming snow (above photo), siguradong malulusaw at maglalaho na ang lahat ng ito bago pa mag-Pasko. Sang-ayon ulit sa aming weather forecast, wala na kaming  snow fall bago mag-Pasko dito sa Iowa. Mapupurnada yata ang aming White Christmas!

Nainggit tuloy ako sa mga lugar dito sa Amerika na maraming snow ngayong Pasko. Noong nakaraang araw lang, ay pinadalhan ako ng aming kaibigan ng photo na kuha niya mula sa Morristown, New Jersey (photo below). Parang scene sa Frozen ang dating.

IMG_6215

Sa Morristown, New Jersey ako unang napadpad at nanirahan dito sa Amerika. Tatlong taon din akong lumagi doon. Dito ko naranasan ang aking kauna-unahang White Christmas, na noon ay nakikita ko lamang sa mga pictures. Dito ko nasabing para akong nakatira sa loob ng Christmas card.

Nang ako’y bata pa at naninirahan sa Maynila, hindi ko inakalang ako’y makakaranas ng White Christmas. Nagkakasya na ako sa mga dekorasyon namin sa aming classroom sa paaralan ng mga Christmas tree na pinuno ng mga bulak para magmukhang may snow. Sa bulak lang masaya na ako.

Tapos sa klase kakanta kami ng “Dashing through the snow” at “I’m dreaming of a White Christmas.” Ano ba naman ang malay ko sa snow at White Christmas? Alam ko lang noon ay “dashing through the flood!” Kinakanta rin namin ‘yung “Frosty, the Snowman.” Pero ‘yung Frosty alam ko at gusto ko. Ito ay isang brand ng ice candy noong bata ako. Masarap siya!

Taong 1991 nang nakaranas ako na pumuti ang kalsada sa Maynila. Pag-gising ko isang umaga at sa pagdungaw ko sa labas, ay nakita kong medyo maputi ang aming paligid. Nag-snow sa Maynila?! Pero nang aking kilatisin, hindi ito snow, kundi abo pala! Abo mula sa pagsabog ng Mt. Pinatubo.

Taong 1994, aking nilisan ang Pilipinas. Hindi para makakita ng snow o maghukay ng yelo, pero para tugisin ang aking mga pangarap sa buhay.

Ngayon, makatapos kong maranasan ang marami ng White Christmas, iba na ang gusto ko sa Pasko. Ibang puti na ang gusto ko, hindi snow. Puti, tulad ng puting buhangin sa beach ng Zambales.  Puti, tulad ng kesong puti sa loob ng bagong lutong pandesal. Puti, tulad ng bagong kaskas na niyog sa ibabaw ng puto bungbong.

Umulan na lang sana ng bagong kaskas na niyog. Samahan na rin sana ng pag-ulan ng puto bungbong at bibingka. Teka, masakit yatang mabagsakan ng bibingka!

Hay, nami-miss ko na naman ang Pilipinas.

Sa lahat ng mga Pilipino sa iba’t-ibang lupalop ng mundo, ano mang puti ang pumapaligid sa inyo – maging ito’y snow, o kaya’y abo at lahar, o puting buhangin at malinaw na dagat, o kaya’y disyerto, o mga puting semento, o kaya nama’y mga kumpol na bulak, o tambak ng puting basura, o kaya’y maging bagong kayod na niyog – kayong lahat ay aking binabati ng Maligayang Pasko!

 

 

Wasak!

$
0
0

Sa isang luxury car show, may mga tao mula sa iba’t ibang lahi ang nagkausap-usap. Habang tinitignan nila ang mga magagarang kotseng naka-display sa show, ay nagsimula silang magbidahan.

Taga-Europa: “Doon sa Europa, ang mga luxury cars, gaya ng Mercedes Benz at BMW ay hindi lang para sa mayayaman. Ordinaryo lang na pinanghaharabas at pinampapasada namin ang mga iyan bilang mga taxi.”

Amerikano: “Naku, walang-wala iyan sa Amerika. Doon sa amin, ang mga mamahaling kotse tulad ng Mercedes, BMW at Corvette, ay binabale-wala at linalaspag lang. Walang patumangga pa naming binabangga at pinapasabog ang mga ito sa mga pelikula.”

Pilipino: “Nakow, taghirap naman pala sa bansa ninyo. Walang panama iyan sa Pilipinas. Doon sa amin, ang mga bagong-bagong luxury cars gaya ng Jaguar, Mercedes, BMW at Corvette ay hindi ginagamit o sinasakyan! Pinayuyupi lang ng aming Presidente para ang bakal ay gawing tansan!”

Wasak!

48EC688E00000578-5357389-image-a-34_1517919085033

(*photo from dailymail.co.uk)

Fevered Musing

$
0
0

I called in sick. I have not done that a lot. In fact, this is the first time I did it. Many times, I just grit my teeth and willed myself to work, even if I felt like I was ran over by a truck.

I have this notion that doctors should not get sick. For who will take care of the patients? But am I really be of help or be more of harm if I go to work, while I myself is sick? After much deliberation, and after foregoing the feeling of guilt, I made the call.

Don’t get me wrong, I am no superhuman. In fact, I get sick more often than my wife. She chided that I am built poorly and of cheap quality materials. During my childhood days in Manila, we call our classmates who get sick easily “Made in Taiwan.” We pride ourselves to be “Made in Japan” or “Made in USA” if we’re the only ones left standing. Nothing against products from Taiwan. Accept it or not, we Filipinos sometimes can be racist. I am sure being made in Taiwan nowadays does not have that connotation.

I am trying so hard not to get sick. I exercise regularly, and I try to eat healthy, and I even got my flu shot. But I still got sick. Being a physician, when you’re dealing with ill patients all day, and they are coughing in your face, it’s just a matter of time that you’ll get it too. Plus we are in the middle of the flu epidemic and it is particularly bad this season.

I am in bed for 2 days straight now. I know, that in itself can make my head hurt. I am popping Advil every 4 to 6 hours round the clock, just to get relief from the fever and the body aches, even though I don’t like taking medicine.

I isolated myself in our bedroom, as I asked my wife to sleep in another room, so she’ll not get what I have. This is not the time for ‘sharing.’ I also put on a mask whenever I go out of the room, and ate separately away from the table.

I was having chills and fever when my thoughts wandered into the times in the past, when I was also sick in bed.

I was in our home in Manila, with high fever. I was still so young, that I don’t go to school yet. My body was full of red spots that were very itchy, and I’m trying my best not to expose them. (Bawal daw mahanginan.) I believe I got the measles. My mom would continuously put a wet towel in my head to try to lower my temperature. But despite of that, I was to the point of hallucinating, that my mother said I was seeing things that were not there.

Then there was the time I was in Kindergarten, when I again had a fever, and one side of my face swelled up. I looked like a squirrel that has an acorn in one of its cheek. I had the mumps. My folks painted a bluish gooey something on my face. It is a concoction of clay, blue dye and vinegar, which was a popular folklore remedy for mumps in the Philippines. My classmates in Kindergarten stopped by our house to visit me, and they saw me with my painted blue puffed-up cheeks.

I know, I know, you may be asking, why did I get both the measles and mumps when I was a child. Why was I not vaccinated? Were my parents against vaccination? Not really. I was just born before the era when MMR (Measles, Mumps and Rubella) vaccine became available worldwide. It was later offered in our school when I was older, I think I was in Grade 2 or 3. My classmates and I lined up and I received those injections despite my silent protestation as I was scared of needles.

There were several other times that I was sick as a child with colds, and my mother would put Vicks Vaporub in my chest and back. Even in my nose, when my nose was clogged up and could not breathe. She would also put Vicks Vaporub in my feet and then put socks on me, telling me that will help my fever. For many Filipinos, Vicks Vaporub and White Flower ointment were a cure-all treatment for any ailment. To this day, I hate the smell of them.

Now that I have the MD degree after my name, I know that the blue paint on my cheek and the Vicks Vaporub on my feet perhaps caused nothing to help my sickness. But perhaps just the fact that I am loved and my parents were showing they care, the best that they know how, was enough to make me feel better. And that eventually healed me of my illness.

Many times, showing people that we care for them, is enough to relieve them of their malady. I know I have plenty of that in my home as a child, and in my home now. Even when I feel terrible with this illness, I know that I am being attended to, not necessarily by a medical team, but more importantly by people who really cared for me. In fact, I still have the cup of salabat on my night lamp stand that my wife brought me this morning, and I could already smell the sinigang that she is cooking.

I was having chills when I glanced outside the window.  Snow is now falling softly. I am not going anywhere. More reason to snuggle under the covers the whole day.

IMG_6308

(*These thoughts were concocted 3 weeks ago. I think I got influenza, and I was house-bound for 5 days. Photo taken with an iPhone.)

 

 

Ang Lola Kong Adik

$
0
0

(Addict: a person who is addicted to an activity, habit or substance.)

Sang-ayon sa mga balita, marami raw adik sa atin sa Pilipinas. Pero nababawasan na raw ito dahil sa takot kay Duterte. Noong ako’y bata pa, kapag kami ay lumuluwas sa probinsiya, ay mayroon akong natutunghayan na kakaibang adiksiyon.

Sa bahay ng aking lola sa Norzagaray Bulacan, ay nakatira rin ang isang tiyahin ng aking tatay. Maaaring sabihin na kasama siya sa mga kumukunsumo ng adiksiyong ito. Hindi ko na sasabihin ang tunay niyang pangalan, at tawagin na lang natin siyang Nana Pula.

Aking pinapanood si Nana Pula na uupo na lang sa sahig sa isang sulok ng bahay. Tapos ilalabas na niya ang mga nakasupot niyang paraphernalia. Dito mag-uumpisa na siyang mag-gayat. Magdidikdik. At magbabalot.

Pero bago ninyo isipin na shabu o crystal meth ang kanyang dinidikdik, o kaya’y marijuana ang kanyang binibilot, ay hindi ito gayon. Ang kanyang ginagayat, dinidikdik at binibilot ay nga-nga.

Siguro alam ninyo kung ano ang nga-nga (betel quid). Sa mga nakababatang Pilipino na maaring hindi na pamilyar sa sinaunang bisyo na ito, ang nga-nga ay nginunguya. Hindi ito sinisinghot o hinihithit.

Ang nga-nga ay ang combinasyon ng: ikmo (betel leaf), bunga (areca palm nut), at apog (slaked lime). Gagayatin ang bunga, tapos papahiran ng apog, at ibabalot sa ikmo. Minsan dinadagdagan pa ng dahon ng tabako, para mas matindi ang tama.

NgaNgaLeavesLime

nga-nga (image from the web)

Matapos bilutin ni Nana Pula ang kanyang nga-nga, ito ay kanya nang isusubo at nguguyain. Habang nakasalampak, ngumangata at sumisipsip ng katas ng nga-nga, ay paminsan-minsan siyang dudura ng mala-dugong laway sa siwang ng sahig na kawayan. Para siyang kambing na ngunguya-nguya, pero kontento sa kanyang buhay. At pag-ngumiti si Nana Pula? Pula ang kanyang bibig at mga ngipin! Kaya nga Nana Pula.

Meron din kaming ninuno sa Bulakan na ang tawag sa kanya ay Tatang Puti. Pero hindi dahil sa puting ngipin, kun’di dahil siya ay tunay na maputi. Siya ay meztiso at dugong Kastila. Tunay naman na may lahing meztisuhin ang aking angkan. Pero hindi ako kasama sa mga mapuputi, dahil nakuha ko ang kulay ko sa aking nanay na dugong Ilokano. Teka, naligaw na yata ang usapan.

Balik tayo sa nga-nga. Ang tradisyon na ito ay matagal nang umiiral sa Pilipinas, bago pa man tayo sakupin ng Kastila. Nabanggit ito ni Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, kung saan sa unang kapitulo ay sinaad niyang inalok ito ni Kapitan Tiago sa kanyang mga bisita. Sa kapanahunan noon, hindi Skyflakes at softdrinks ang inihahain sa bisita, kun’di nga-nga!

Ang kustombre ng pagnguya ng nga-nga o betel quid ay hindi lang sa Pilipinas. Maraming bansa sa South at Southeast Asia, at sa kalawig na mga isla sa Pacifica ay kilala ang sinaunang tradisyong ito. Sabi ng World Health Organization, maaaring may 600 milyong tao ngayon ang haling sa bisyong ito.

Ang pag-nguya ng betel nut ay ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Sa katunayan, sang-ayon sa mga archaeologist, may nahukay silang bungo ng tao na may apat na libong taon ang tanda, at ang ngipin nito ay may bakas ng elemento ng betel nut. Ganoong katagal na ang nga-nga!

Gaya ng sigarilyo at iba pang bisyo, bakit kaya nakaka-adik ang nga-nga?

Ang bunga o “betel” nut, ay mula sa areca palm (scientific name: Areca catechu). Ito ay may natural alkaloid, na ang tawag ay arecoline. Ang arecoline ay mild stimulant. Kaya ito’y nakapagbibigay ng energy boost at feeling of euphoria. Sa madaling salita, nakaka-high! Kaya kapag ngumunguya na sila tatang at nanang, ay sumasaya sila at para na silang lumulutang. Tripping na si lola!

Ngunit parang nicotine mula sa dahon ng halaman ng tabako (scientific name: Nicotiana tabacum), ang arecoline mula sa areca palm nut ay nakaka-adik din. Kaya bago pa naging palahithit ng tabako, o bago pa magsipagbilot ng marijuana, ay ngumangata na ng nga-nga ang Pilipino. Lahi nga kaya tayo ng mga adik?

Maliban sa nakaka-adik ang nga-nga, may iba pa bang masamang epekto ito?

Sang-ayon sa mga pag-aaral, ang nga-nga ay maaring maging sanhi ng kanser sa bibig. Iyong ibang matatanda sa atin, nag-nganganga na, nagtatabako pa, tapos nasa loob pa ng bibig ang sindi ng tabako, kaya’t mataas ang insidente nila ng kanser sa bibig.

Dahil laging ngumunguya ang kumukunsumo ng nga-nga, ito ay maari ring magdulot ng oral submucous fibrosis. Ang kondisyong ito ay sanhi ng “stiffness in the mouth and eventually the loss of jaw movement.”*

Isa sa pinakamalinaw na sanhi ng nga-nga ay ang pamumula ng bibig at ngipin. Para silang nagpahid ng sangkatutak na lipstick, pero kasama pati ipin! Maari rin itong sanhi ng tooth decay, gum disease at bad breath.

Kaya noon pa man, kapag nag-nganga-nga na si Nana Pula, umiiiwas na akong pahalik sa kanya, dahil baka mag-amoy nga-nga at apog ako. Pero nagmamano pa rin naman ako kay Nana Pula.

Subalit kahit may kakaibang adiksiyon si Nana Pula, ay mapayapang mamamayan naman siya. Mapagmahal din siya sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Maaring sabihin na adik siya sa pagmamahal sa kanyang mga pamangkin at apo, kasama na ako, kahit gaano pa ako kakulit noon.

Isang araw, matahimik na pumikit si Nana Pula, lumutang at pumailanglang sa walang hanggang kawalan. Wala sa aming nakababatang pamilya ang pumulot ng kanyang bisyo, kaya’t ito’y naglaho na rin sa pagpanaw ni Nana Pula.

(*from Journal of the American Dental Association)

Viewing all 88 articles
Browse latest View live